Matagal ko nang binabalak bakasin ang mga katutubong dalumat ng panonood ay biglang sumapit sa akin ang dapat na pagsimulan. Sa pangkabuoan, ang panonood ay isang gawain ng pagtanggap. Dinaratnan ang tumatanggap ng ipinakikita o ipinahihiwatig—mensahe sa karaniwang wika—ng anumang nakikita, napapanood na gáling sa isang nagpapalabas na midyum. Sa kasong ito, telebisyon na aking malaong paksa. Kayâ dapat magsimula sa: ano ang manonood? Bakit? Ang manonood ang talagang nagtatakda ng pakahulugan at praktika ng panonood. Kung paglilimiang mabuti, sa manonood nagmumula ang mga gawi ng pagtanggap. Nasa tao ang gawa, ang gawa ng panonood, kayâ sa manonood dapat magsimulang tumuklas. Pero kaninong manonood? Siguro, bílang panimulang hakbang, sa ating kilalang-kilala, sa sarili. Kayâ pagninilay talaga ang pagtuklas na ito. Pagninilay sa kung saan ako—at maaari, táyo—nagmumula sa pagganap sa papel ng "manonood." Ito'y sa kabila ng pagpapauna na wala akong balak itanghal ang sarili na kinatawan o representatibo ng malawakang “manonood.” Hindi ko alam kung maaari nga ito, marahil ay mapangangatwiranan. Sa ngayon, ang masasabi ko, ibig kong maunawaan ang ideya ng “manonood” sa pamamagitan ng sarili kong karanasan dito. Harinawa, maging susi ito, kahit ba panimula, sa pagpapalawak ng ating pag-unawa. Kailangan-kailangan kasi natin ngayon ang higit na kritikal na panonood, isang panonood na maalam sa panonood, at may kabatiran sa kagawiang ito.
Ano ang Manonood? (1)